Paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, hindi isang criminal act ayon sa isang mambabatas

Hindi isang criminal act ang panawagan ni dating House Speaker at Davao del Norte lawmaker Pantaleon Alvarez na paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ito ang naging tugon ng mambabatas sa babala ni Philippine National Police (PNP) chief Benjamin Acorda na babantayan nila nang mabuti ang mungkahing secession.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Giit ni Alvarez, ang kanilang panawagan ay isang mapayapang panawagan para sa ikauunlad ng Mindanao.

Dagdag pa nito, hindi naman nila nanaisin na mauwi sa gulo ang naturang hakbang, at hindi rin umano sila manggugulo.

Read More:  Arroyo says she would oppose impeachment move vs Ombudsman Remulla

Maliban dito, nanindigan ang Kongresista na hindi sila magiging liable sa kasong sedisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanilang panawagan.

Pinag-aralan umano ito ni Alvarez, at nakikita niyang hindi pumapasok sa elements ng nasabing krimen ang kanilang suhestyon.
#