Suspension of classes, extended; magkakaibang advisory ng LGUs ipinaliwanag ng PDRRMO

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng bawat Municipal Disasters Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na extended pa rin ngayong araw Abril 12, ang pagsususpendi ng klase sa lahat ng antas sa kani-kanilang bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM- Sorsogon, ang ibang bayan gaya ng Irosin at Casiguran ay parehong nagpatupad ng ekstensyon ng class suspension habang ang lungsod ng Sorsogon naman ay pinayagan na ang pasok sa college level.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Paliwanag ng Sorsogon Provincial Disasters Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO), magkakaiba talaga ang ipinapalabas na advisory ng bawat bayan dahil magkakaiba rin kasi ang sitwasyon ng mga ito kung kaya’t mismong LGU ang makakapag desisyon batay sa sarili nitong assessment sa kanilang lugar.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nanawagan ang opisina sa lahat na gamitin ang social media upang maging updated sa mga ipinapalabas na kautusan sa kani-kanilang nasasakupan.