Suspek sa pagpatay sa isang journalist nahuli sa France

Kinumpirma ng mga otoridad na naaresto sa France ang Saudi man na itinuturong suspect sa pagpatay sa mamamahayag na si Jamal Khashoggi.

Kinilala ng mga pulis ang suspect na si Khaled Aedh Alotaibi na naaresto sa Chales de Gaulle airport sa Paris.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Si Alotaibi ay isa sa 26 na Saudis na wanted ng Turkey dahil sa pamamaslang kay Khashoggi.

Iginiit naman ng Saudi official na biktima ng mistaken identity ang inarestong Saudi national dahil ang totoong sangkot sa murder case ay nahatulan na sa Saudi Arabia.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Si Alotaibi ay dating royal guard ay isinailalim ngayon sa judicial detention.

Matatandaan na si Khashoggi na isang kilalang kritiko ng gobyerno sa Riyadh ay pinatay umano sa Saudi consulate sa Istanbul noong October 2018.