Surfer mula sa bayan ng Gubat, back to back champion sa surfing competition sa Eastern Samar

Back to back champion ang surfer mula sa bayan ng gubat, Sorsogon na si Vea Estrellado sa  Women’s Open Shortboard Division ng Pilipinas Surfing National Leg 3 Surf in the City Festival 2022 na ginanap sa Borongan City Eastern Samar.

Nakakuha ng 9.85 na puntos si Estrellado laban sa mahigpit nyang katunggali na si Dianne Nogalo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Nagpa-abot naman ng malaking pasasalamat si Estrellado sa kanyang pamilya at sa lahat ng tumulong sa kanya.

Ayon dito, hiling niya na hindi magsawa ang mga ito na patuloy siyan tulungan  dahil marami pa aniya siyang kompetisyon na sasalihan at laban na susuungin.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kung matatandaan si Vea ay sumabak na sa qualifying games sa El Salvador para sa Tokyo Olympics 2021.