Surallah, inirekomendang isailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

KORONADAL CITY – INIREKOMENDA na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang pagdeklara ng state of calamity sa bayan ng Surallah dahil sa epekto ng El Niño.

Ito ang kinumpirma ni MDRRMO Leonardo Ballon makaraang anim na mga barangay na ang nagdeklara ng state of calamity na kinabibilangan ng Barangay Talahik, Duengas, Centrala, Canahay, Dajay at Buenavista.

Ayon kay Ballon, umabot na sa P 71 million ang pinsala na dulot ng El Niño sa mahigit 1,000 hectares na taniman ng mais, palay at mga high value crops. Nasa 1,178 farmers naman ang apektado ng tagtuyot. Oras na aprubahan ng Sangguniang Bayan ang pagdeklara ng state of calamity, magagamit na ng LGU ang calamity fund nito para sa response activities sa El NiñO at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *