Supreme Court itinakda ang oral arguments para sa petisyon kaugnay sa postponement ng BSKE

Itinakda na ng Korte Suprema ang Oral Arguments para sa petisyong inihain ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal para kuwestyunin ang legalidad ng barangay elections.

Sa inilabas na pahayag ng SC public information office, gagawin ang oral arguments sa Biyernes, ika-21 ng Oktubre.

Bibigyan din ang mga respondents ng hanggang sa Biyernes ng tanghali para magsumite ng kanilang mga kumento.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Matatandaaang kamakalawa nang ihain ni Macalintal ang petisyon para kontrahin ang Republic Act 11935 na layong ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

Sa ilalim nito, ipinuntong walang kapangyarihan sa Konstitusyon ang Kongreso para i-postpone ang isang halalan at sinabing tanging ang Commission on Elections lamang ang may hurisdiksyon para rito.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Sa kabila niyan, nanindigan ang mga awtor ng batas na may hurisdiksyon ang Kongreso sa pagpapaliban ng halalan, kagaya na lamang ng nilalaman ng Konstitusyon kung saan pinapayagan ang mga mambabatas na magtakda ng petsa ng isang halalan.