Ibinasura ng Korte Suprema ang petition ng kampo ni Atty. Harry Roque na writ of amparo sa ipinatupad na contempt at arrest order ng quad committee ng House of Representative laban sa abogado.
Matatandaang inihain ng anak ni Roque na si Bianca Hacintha ang naturang apela sa mataas na Hukuman nitong nakalipas na linggo. Nakasaad sa kanilang petisyon na merong grave abuse of discretion ang quad panel.
Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang tanging saklaw ng paglalabas ng writ of amparo ay limitado sa extra judicial killings at mga pagbabanta na wala naman daw sa kaso ni Roque.