Nagsagawa ng airdrop resupply mission ang militar sa mga sundalong nasa BRP Sierra Madre.
Ito’y makaraang magkaroon ng aberya ang indigenous boat na Unaiza Mae 1 resupply boat na gagamitin sana sa napakahalagang misyon.
Ang impormasyon ay mula sa isang senior official ng Armed Forces of the Philippines.
Ang naturang technical difficulties ay ang pinsala pang natamo ng Unaiza Mae 1 mula sa pinakahuling insidente ng pagbangga ng barko ng China nang tangkain nilang pigilan ang RORE mission kamakailan sa Ayungin Shoal.
Sa ngayon wala pang petsa nang susunod na RORE dahil kinakailangan munang masiguro na sea worthy ang floating asset sa na gagamitin sa misyon.