Supply ng oxygen sa bansa, pinatitiyak ng pamahalaan dahil sa posibleng pagkalat ng Delta variant

Nagpapatuloy ang paghahanda ng pamahalaan sa posibilidad na makapasok at kumalat sa bansa ang “Delta variant” ng covid-19.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na madalas na silang nakikipag-usap sa mga manufacturer ng oxygen upang paghandaan ang oxygen capacity ng bansa na posible aniyang kailanganin kapag nagkaroon ng Delta variant outbreak sa Pilipinas.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sinabi ni Sec. Lopez na sa ngayon ay mayroon pang 20 hanggang sa 30 porsyento ng sobrang suplay ng oxygen ang bansa.

Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin aniya ang pang-eengganyo ng pamahalaan sa malalaking oxygen manufacturer na doblehin ang kanilang suplay.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na kinausap na rin nila ang mga manufacturer na may sobrang supply na magsilbing supplier muna ng oxygen sa Indonesia dahil problema na roon ang kakapusan sa oxygen.

Sa kasalukuyan, nasa 2 local manufacturers aniya ang nangako at tumitiyak na sapat ang kanilang suplay para sa Pilipinas.