Supply ng dugo sa JBL-MRH, kumukonti tuwing holiday season

Ibinahagi ng pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital na madalas kumonti ang kanilang blood stock tuwing holiday season.

Ayon sa paliwanag ni Dr. Emil Bryan Garcia, head ng Department of Pathology, Laboratories and Blood Transfusion at Dr. Gil Bryan Galvan, head, ng Blood Bank Section, kaunti lamang kasi ang mga nagsasagawa ng blood letting activity tuwing Disyembre hanggang Enero.

Gayunpaman, tiniyak ni Dr. Garcia na sapat naman pagkatapos ng holiday season ang kanilang mga reserve blood mula Pebrero hanggang Nobyembre.

Sa katunayan anya hindi pa nakaranas ng blood shortage ang hospital kahit pa umabot ng 60 hanggang 80 blood bags ang naire-release nila kada araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *