Suplay ng bigas sapat para sa relief ops sa mga biktima ng bagyong Odette – DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na suplay ng bigas para ipamahagi sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ang pahayag ng DSWD ay matapos mai-ulat ang pagkasira ng maraming bigas na nakaimbak sa mga provincial warehouse ng National Food Authority sa mga lugar na dinaanan ng kalamidad.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ayon kay DSWD Spokesman Director Irene Dumlao, batay sa mga reports mula sa kanilang field offices may sapat na stockpile ng mga bigas at ito ang ginagamit sa nagpapatuloy na repacking ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa kabuoan nasa mahigit P36-million na nang ayuda ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong indibidwal.

Nanawagan naman ang ahensiya sa mga gustong mag-volunteer para sa repacking ng mga relief items upang matiyak na tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga ayuda sa typhoon victims.