PRRD babalik sa mga lugar na sinalanta ng bagyo para muling maghatid ng tulong

Babalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Kasabay nito nilagdaan din ng Pangulo ang opisyal na pagdedeklara sa state of calamity sa mga lugar ng Regions 4-B, 6, 7, 8, 10, at Region XIII.

Read More:  Reddit and Discord agree to designate local representatives in the Philippines — CICC

Layon nito na mapabilis ang rescue, relief at rehabilitation efforts ng pamahalaan at sa tulong na rin ng private sector.

Makakatulong din umano ang state of calamity para makontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Read More:  CBCP calls for effective anti-political dynasty law

Sa hiwalay na pahayag ni Senador Christopher Bong Go sinabi nitong kabilang sa mga babalikan nilang lugar ngayong araw ay ang Surigao, Siargao, at ang Dinagat Islands.