Suns head coach Monty Williams, sinibak

Sinibak ng Phoenix Suns ang head coach na si Monty Williams matapos ang apat na season.

Nagdesisyon ang bagong may-ari na si Mats Ishbia na tanggalin si Williams matapos malaglag ang Suns sa Denver Nuggets sa anim na laro sa Western Conference semifinals.

Napaabot na ni WIlliams ang Suns sa NBA Finals noong 2021, ngunit natalo sila sa Milwaukee Bucks.

Ngayong season, maraming nag-aakala na makakaabot sa finals ang Suns matapos nilang ipamigay ang karamihan ng kanilang player para kay Kevin Durant.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *