Sugar producers suportado ang planong pag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal

Suportado ng United Sugar Producers Federation (UNIFED) ang planong pag-angkat ng gobyerno ng 150,000 metric tons ng asukal.

Ayon kay UNIFED President Manuel Lamata, hindi masamang ideya ang pag-angkat ng asukal sa nabanggit na bilang.

Paliwanag ni Lamata na walang problema sa pag-angkat ng asukal basta ito ay refined at hindi ang ‘raw’ sugar.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Naniniwala din ang Unifed president na hindi sobra at tamang bilang lamang ang 150,000 MT lalo pa’t maaari itong dumating sa Oktubre o Nobyembre pa kung kailan tapos na ang harvest season.

Read More:  PCG drives away Chinese maritime militia vessel and 24 fishing boats near Kota Island

Dagdag pa ni Lamata na ang mga nadiskubreng saku-sakong asukal sa isinagawang raid kahapon sa ilang warehouse sa Pampanga at Bulacan ay posibleng kulangin pa kung ipapamamahagi sa mga palengke para mapababa ang presyo nito sa merkado.