Kumpiyansa ang Local Inter-Agency Task Force na hindi magiging dahilan para mapasailalim sa mas mahigpit na alert level ang Zambales ang mga covid-19 active cases ng Subic.
Ito ay kahit pa umabot na sa mahigit isandaan ang active cases ng bayan na siyang pinakamarami kung ikukumpara sa ibang mga bayan ng lalawigan.
Ayon kay Subic Health Officer Dr. Nadjimin Ngilay, iilan sa mga pasyente ang kinailangang manatili sa ospital habang karamihan ay naka-home quarantine dahil sa kawalan ng malalang sintomas.
Paliwanag ni Ngilay, ang mataas na hospital bed utilization rate ang isa sa mga basehan ng Department of Health para maitaas ang alert level pero dahil kakaunti ang mula sa bayan ng Subic kaya hindi pa rin makakapag-ambag ng malaki sa pagbabago ng restriksyon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
