NAGA CITY –May ilang pagkakataon na nagkakaroon ng pagkakatibag o paglaglagan ng mga tipak na sementong nangyayari mula sa ikalawang palapag ng Naga City People’s Mall kahit na walang lindol na nagaganap na delikado sa publiko at mga negosyanteng nasa ground floor.
Ito ang dahilan kaya muling pinondohan ng LGU-Naga ang NCPM para sa repair at rehabilitation nito na kung saan una ng ginawa ang retrofitting sa bahagi ng may natitibag.
Sa pahayag ni Market Supt. Ramon Florendo, sinabi niyang prayoridad nila ngayong taon na makompleto na ang pagsasaayos sa paligid ng supermarket na isa sa nag-aakyat ng milyong piso halaga sa kaban ng lokal na pamahalaan sa kada taon.
Ang naturang public market ng lungsod ay naitayo noon pang 1964 at taong 1969 naman ng magsimula na itong buksan sam ga negosyante at minsan tinaguriang Biggest SuperMarket in Asia.