Strikes ng Russia sa Ukraine, ‘sign of weakness’ — NATO chief

Binigyang diin ni NATO chief Jens Stoltenberg na ang mga ginagawang strikes ng Russia sa infrastructure ng Ukraine ay para makabawi sa pagkatalo sa laban ng kanilang mga tropa.

Kaugnay nito, nangako ang NATO at mga kaalyado nito na paiigtingin at ipapanatili ang suporta sa Kyiv.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon kay Stoltenberg, na ang nakita nilang mga pag-atake mula sa Russia ay senyales ng pahina, dahil sa katotohanan na hindi umano ito nag-improve sa battlefield.

Para sa NATO chief, natatalo na ang Russia sa giyera.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, welcome naman para sa kanya ang announcements mula sa US at Germany na ang advanced air defense systems ay paparating na sa Ukraine, at umaasa umano ito ng marami pang deliveries.