PH, magpapadala ng 814-man team sa Cambodia SEA Games

Inaasahang magpapadala ang Philippine Olympic Committee (POC) ng 814-strong Team Philippines sa Cambodia para sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon.

Ito ay matapos na makompleto ang dalawang consultative meetings kasama ang national sports associations (NSAs).

Nabatid na ang Cambodia ay mayroong 49 sports para sa May 5 hanggang 16 na 2023 SEA Games.

Kaugnay nito, target ng POC ang full participation sa competition na nag-aalok ng 608 gold medals, na pinakamarami sa kasaysayan ng SEA Games.