Streetsweeper – nasawi matapos mabagsakan ng poste ng kuryente ang sinasakyan nitong tricycle

Patay ang isang streetsweeper matapos mabagsakan ng poste ng kuryente ang sinasakyan nitong tricycle.

Ayon kay Police Lt. Col. Ryan Manongdo, hepe ng Antipolo City Police – biglaan na lamang bumigay ang poste kung saan tumama sa mismong kinauupuan ng biktima.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sinabi naman ni Manongdo na puwedeng tanggapin ng pamilya na ito’y aksidente lamang pero hindi ibig sabihin nito na walang mananagot dahil may nasawi.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Nakatakdang mag-usap ang pamilya ng pumanaw na streetsweeper, ang tricycle driver at representative ng Meralco, ngayong araw.

Napag-alaman na ang titingnang kaso ng Antipolo Police laban sa nabanggit na insidente ay civil liability.