Stage 2 ng implementasyon ng  Project LAWA at BINHI ng DSWD Bicol, nagpapatuloy sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol; mahigit 900, nakilahok

BNFM Bicol-NAKILAHOK ang aabot sa 984 na mga partner-beneficiaries para sa nagpapatuloy na implementasyon ng Stage 2 Project LAWA at BINHI, ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Bicol.

Ito ay mula sa mga bayan ng Batuan sa lalawigan ng Masbate, bayan ng Pandan sa Catanduanes, at munisipalidad naman ng Pilar sa Sorsogon.

Ang naturang aktibidad ay nahahati sa dalawang kategorya : Phase 1 – Water harvesting system/ Water rehabilitation at ang Phase 2 naman ay Communal Gardening.

Isa lamang ito sa hakbang ng ahensya lalo na ngayong nakakaranas ng matinding init ng panahon. ### KENNETH BERMIL

COURTESY: DSWD V/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *