Stadium sa Indonesia kung saan naganap ang stampede, nakatakdang i-demolish

Kinumpirma ni Indonesian President Joko Widodo na ide-demolish at itatayong muli ang football stadium kung saan naganap ang stampede na ikinasawi ng mahigit 130 tao.

Nakipagpulong si JokoWi sa ilang mga opisyal ng FIFA para sa naturang proyekto.

Read More:  139 migrants, including 15 children, dead after boat capsizes off Djibouti

Pagtitiyak ni Widodo, magkakaroon ng malaking transformation ang Kanjuruhan Stadium at ang bagong ipatatayo rito ay pasok na sa standards ng FIFA.

Sa ganitong paraan umano ay masisiguro ang kaligtasan ng mga players at ng mga taga-suporta ng mga koponan.

Read More:  One dead, 11 injured in fresh attack on Riyadh airport

Matatandaaang nangyari ang trahedya sa unang linggo ngayong buwan ng Oktubre.

Ang tinitignang dahilan ay ang lalong pag-panic ng crowd matapos gumamit ng tear gas ang mga otoridad.