SSS target na lalo pang mapalawak ang enrollment coverage ng job order employees ng LGU at National Government Agency

CAMARINES NORTE- Target ng Social Security System (SSS) na mas lalo pang mapalawak ang enrollment coverage ng job order employees sa mga Local Government Unit hanggang sa Barangay at National Government Agencies.

Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, sinabi nito na nagpapatuloy ang kanilang KaltaSSS Collect Program na tinawag na ngayong Kasangga.

Aniya, binigyan sila ng target ng main office na kahit man lang dalawang LGU at National Government Agency kada buwan na ma-cover ang mga job order employees.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ito ay upang magkaroon naman ng mga ng benepisyo ang mga job order employee dahil bagamat nagtatrabaho ang mga ito sa gobyerno ay hindi sila covered ng Government Services Insurance System (GSIS).

Sa ngayon ay karamihan na target na umano nila ay mai-enroll sa SSS ang mga opisyal ng Barangay kasama ang mga Barangay workers tulad ng Tanod at iba pa na papasok sa self- employed category

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement ay kakaltasan ang mga JO mula sa kanilang payroll at ang ahensiya o barangay na ang magre-remit sa SSS.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Mag-iisyu naman ang SSS ng registration number.

Noong Marso ay nagkaroon ng MOA ang SSS sa National Irrigation Administration at Department of Agrarian Reform (DAR) at mayroon din sa Barangay.

“Under po sila ng Job Order, self -employed category for SSS so, kakaltasan po sila monthly from their shall I say salary or stipend or honorarium so yun po ang on -going program namin na hopefully po ma- cover namin lahat na barangays of Camarines Norte,” ani Robredo.