SSS nakikipag ugnayan umano sa ibang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa isyu ng naglipanang text scam at private messages

CAMARINES NORTE – Nakikipagtulungan umano ang Social Security System (SSS) sa ibang ahensiya ng gobyerno upang kung hindi man stuluyang masugpo ay mapigilan ang pagkalat ng text scam at private messages.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na nakikipag ugnayan ang kanilang ahensiya sa National Telecommunications Commission at sa National Privacy Commission.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa panig naman ng SSS ay patuloy umano ang pagbibigay ng babala sa publiko na huwag basta- basta maniniwala sa mga text at privates messages.

Ang text messages mula sa SSS ay malinaw na naka- identify ang SSS bilang sender at hindi sa unidentified numbers.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Babala ng ahensiya na huwag iki- click ang ibinibigay na link na humihingi ng personal information dahil maaari itong magamit ng mga masasamang loob.