BIR umapela sa mga taxpayers na magbayad ng tamang buwis

CAMARINES NORTE – Umapela ang Bureau of Internal Revenue sa mga taxpayers na magbayad ng tamang buwis.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Revenue District Officer Reymarie Dela Cruz na iisa lang naman talaga ang lagi nilang panawagan na magbayad ng tamang buwis sa tuwing may deadline at i- file ang tamang BIR form.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ani Dela Cruz bagamat nauunawaan ng ahensiya na mabigat ang obligasyon ng pagbabayad ng buwis pero wala umano silang magagawa kundi ipatupad ang batas o ang tax code.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa Hulyo ay asahan na umano ang malaking bayaran dahil sa quarterly payment ng Value Added Tax at percentage tax.

Asahan na rin daw na makakatanggap ng “friendly reminder” ang mga taxpayers mula sa ahensiya.