SSS hinikayat ang mga miyembro na mag-avail ng bagong retirement savings scheme na WISP Plus

CAMARINES NORTE – Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na i-avail ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme ng ahensiya.

Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ipinaliwanag nito na ang ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong nakalaan para sa SSS members bilang dagdag-proteksyon sa kanilang regular social security program.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Tinawag itong WISP plus dahil mayroon na umanong naunang programa na inilunsad noong 2021

Ito ay ang regular na Worker’s Investment and Savings Program (WISP) na kapag ang income ay lagpas ng P20K hanggang P25K ay automatikong may ilalan na contribution.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang WISP Plus naman ay magsisilbing dagdag layer ng social security protection bukod sa retirement benefits na kanilang natatanggap mula sa regular SSS program hanggang sa sila ay magretiro.

Ang pag- avail ng programa ay sa pamamagitan ng online services ng SSS.

Ang WISP plus ay kikita ng interest depende sa idedeklarang interest income ng SSS.