Pinuri ni Senador Christopher Bong Go ang naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 76th United Nations General Assembly.
Ayon kay Go napapanahon at makabuluhan ang nag speech ng Pangulong dahil binigyan niya ng pansin ang mahahalagang isyus sa buong mundo ngayon gaya ng COVID-19 pandemic, climate change, migrant workers rights, South China Sea, refugees at UN reform.
Dagdag pa ng senador ipinamalas din ni Pangulong Duterte ang kanyang political will na ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng ating mga kababayan.
Sa harap ng maraming pagsubok, naninindigan umano si Pangulong Duterte na walang Pilipinong mapapabayaan sa pamumuno ng ating nag-iisang pinuno ng bansa.
“Ipinamalas rin ni Pangulong Duterte ang kanyang pagmamalasakit sa buong mundo sa harap ng iba’t ibang krisis. Patunay ito na ang diwa ng bayanihan ay maaaring maging ehemplo kahit sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang bansa,” pahayag pa ni Go.
