Special Drug Education Center, binuksan na sa Olongapo

Binuksan na kaninang umaga ng lokal na pamahalaan ang Special Drug Education Center sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay para may magamit na venue sa mga out-of-school youth na nais makamit ang pangarap at para maiwas na rin sa mga bisyo tulad ng ipinagbabawal na droga.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang SDEC ay isang community-based facility, na layong matulungan ang mga kabataan na walang pormal na edukasyon at mga batang lansangan.

Ayon kay Olongapo City Social Welfare and Development Officer Jun Pascua, ito ay proyekto ng lungsod at kauna-unahan sa Central Luzon na eksklusibo para sa mga residente ng syudad.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Tatanggapin dito ang mga kabataang edad 13-anyos hanggang 30-anyos na bibigyan ng mga aktibidad habang nasa pasilidad.

Matatagpuan sa Mayumi Street, Center for Youth Compound sa Barangay Sta. Rita ang gusali.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO