Special COVID vax days sa mga lugar na may mababang immunization coverage, bukas na

Sisimulan na ngayong linggo ang special COVID-19 vaccination days sa mga lugar na may mababa pang immunization coverage.

Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Cebu province, Cotabato City, at Davao Region, na magsisimula bukas Marso 29 hanggang 31, at BARMM mula Marso 30 hanggang Abril 1.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Kaugnay nito, nais din ng Department of Health na palakasin ang pagbabakuna sa iba pang lugar na nasa Alert Level 2 para maibaba na rin sila sa pinakamababang restriksyon.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Nabatid na mayroon pang 56 na mga lalawigan, highly urbanized cities at independent component cities ang nananatili sa Alert Level 2.