Spain, pinalakas ang seguridad dahil sa pagka diskubre ng letter bomb

Mas pinalakas ng bansang Spain ang kanilang seguridad matapos ang sunod-sunod na pagkadiskubre ng letter bomb sa bansa.

Noong nakaraang linggo, natuklasan ang magkasunod na letter bomb na ipinadala sa Prime Minister ng Spain at isa pa sa US embassy

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Ang ikaanim at pinakahuling bomba ay nakita noong Huwebes ng hapon at ipinadala sa US embassy sa Madrid.

Read More:  Six dead, thousands without power after hurricane Isaias hits Florida

Nitong nakaraang araw din ay sumabog ang letter bomb na ipinadala sa Ukrainian embassy na ikinasugat ng isa nilang empleyado.

Patuloy din ang ginagawang imbestigasyon kung anong grupo ang nasa likod ng pagpapadala ng mga letter bomb.//CA