Hussein sa boxing ref na si Padilla ‘He’s nothing more than a criminal’

Tinawag ni Australian Nedal “Skinny” Hussein ang dating boxing referee na si Carlos Padilla na “nothing more than a criminal” nang aminin niya ang pagdaraya para tulungan ang kapwa Pinoy na si Manny “Pacman” Pacquiao.

Sa isang panayam sinabi ni Hussein na dapat kumilos ang World Boxing Association sa insidenteng ito.

Read More:  Eala sweeps aside American qualifier, advances at US Open

Matatandaang, inamin ng Filipino referee ang pagdaraya nang tinulungan si Pacquiao na manalo sa laban noong 2000.

Si Pacquiao na nasa edad na 21 at sumisikat na bituin sa boxing nang siya ay sumabak sa 10 rounds laban kay Hussein para sa WBC International super-bantamweight title noong 2000.

Read More:  Alex Eala continues historic US Open run with dominant victory

Iginiit ni Hussein na wala siyang problema kay Pacquiao at sa katunayan ay big fan siya nito. Hindi umano niya tinatanggap na siya ang nanalo sa kanilanbg laban ngunit ang gusto niya lamang ay pananagutin ang mga referees at judges sa ginawa nila.//CA