SP Pro Tempore – iginiit na hindi kailanman man magiging ‘credible witness’ si Maslog sa POGO hearing

Hindi pa rin makapaniwala hanggang sa ngayon si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa mga ikinwento ni Jessica Francisco o Mary Ann Maslog sa nakaraang pagdinig.

Kung saan, ayon kay Maslog, siya ang nag-volunteer sa awtoridad upang kausapin si Alice Guo na sumuko na noong nasa Indonesia pa ito.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Bilang lumabas sa mga impormasyon na iisa lang si Francisco at Maslog, sinabi ni Estrada na hindi kailanman magiging ‘credible witness’ si Maslog lalo na’t sangkot ito sa dating textbook scam.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Maalala, ayon kay Senador Ronald Bato Dela Rosa, ginamit lang umano si Maslog para trabauhin sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at palabasin na sila ang tao sa likod ng illegal Philippine Offshore Gaming Operator sa bansa.