SP, nanindigan sa pagdeklarang ‘invalid’ ang Matnog AppropriationOordinance

Nanindigan ang Sanggunian Panlalawigan ng Sorsogon sa mga legal basis nito sa pagdeklarang invalid ang Appropriation Ordinance No. 202301 ng bayan ng Matnog o ang ordinansang nag-aapruba ng Supplemental Budget No. 1 na naglalaan ng  mahigit P4.2M mula sa savings para sana sa mga sahod ng bakanteng posisyon sa Matnog Community College, Municipal Agricultural Officer at Assistant Municipal Assessor patungong Other Maintenance and Other Operating Expenses ng opisina ng Alkalde ng bayan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Commitee on Budget and Appropriations Chair at 1st District Board Member Edmundo Atutubo, sa isinagawang Committee Hearing ng Sanggunian, napag-alaman na sa Annual Peformance Budget ng LGU ay mayroon na itong inilaan na mahigit P20M na MOOE.

Ayon rin sa mga representante ng Tertiary Education na kanilang inimbita, ang nasabing pondo na mula sa Matnog Community College ay isa sa mga requirements sa pag-aapruba ng Community College.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Bigo rin umano ang Municipal Treasurer na makapagsumite ng reports mula sa disbursed funding ng MOOE kaya idineklarang invalid ang nasabing Appropriation Ordinance.