SP Escudero – iginiit na wala silang inaakusahan o sinasabing may anomalya sa ginagawang New Senate Building

‘Nobody alleged irregularity’

‘yan ang mariing sabi ni Senate President Chiz Escudero sa gitna ng nakaplanong pagdinig ng Senate Committee on Accounts tungkol sa itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Ito’y kasunod sa naging pahayag ni dating Senate President Migz Zubiri na kumpiyansa siyang walang irregularities dito.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay Escudero, mula sapul ay naging malinaw sila na wala silang pinagbibintangan o sinasabing irregularity dito kaya wala umano silang ideya kung bakit tila ‘defensive’ ang ilang senador hinggil dito.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Alinsunod nito, muli niyang iginiit na ang nakatakdang pagdinig sa Miyerkules ay naglalayon lang pag-aralan, suriin at tignan kung paano mapapababa ang gastusin dito.

Maalala, nakapagsumite na sa komite ni Senador Alan Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga briefers at kinakailangang dokumento.