Mga mangingisdang Pilipinong nasugatan sa pagsabog ng kanilang bangka – nanindigang ‘di sila tinulungan ng China

Mariing pinabulaanan ng mga rescued Filipino fishermen na tinulungan sila ng China Coast Guard.

Kung maaalala kasi, unang napa-ulat ang pagtulong sa kanila ng CCG matapos silang unang harangan.

Read More:  President Marcos urges Filipinos to live by heroic values

Ang dalawang mga Pilipinong mangingisda ay mula sa walong sakay ng isang motorbanca na nasabugan ng makina.

Ayon sa kanila – ‘di raw totoong nag-assist ang China at sa katunayan ay hinarangan pa nito ang mga bangkang tutulong sakanila.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Sa katunayan ay binuntutan pa rin sila kahit na na-rescue na sila.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagaling nila sa ospital matapos magtamo ng second-degree burns sa kanilang katawan.