Sorsogon Provincial Tourism, nagpaliwanag sa lamp posts ng Capitol park

Matapos umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga Sorsoganon ang bagong lamp posts ng Capitol park, nagpaliwanag ang Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) sa pamamagitan ng head nito na si Bobby Gigantone. Sinabi nito na ang nasabing lamp posts ay produkto umano ng masusing pananaliksik na babagay sa neo-classical na desinyo ng Kapitolyo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon pa kay Gigantone, ang paglalagay ng mga lamp posts ay parte ng beautification program ng lalawigan at normal lang umano ang mga ibat ibang reaksyon ng mga mamamayan lalo na at may pagbabagong nakikita.

Ngunit dapat ding umano makita na ang mga ito ay merong historical value, at ang letrang ‘H’ na makikita rito, kung sila umano ang tatanungin ay ‘History’ ang ibig sabihin nito.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dagdag pa ni Gigantone, marami pang pagpapaganda na makikita ang mga Sorsoganon hindi lamang sa Kapitolyo kundi maging sa buong lalawigan.