Sorsogon, naabot na ang 89.6% Covid-19 vaccination accomplishment

SORSOGON CITY – Nabakunahan na ang 89.6% na populasyon ng Sorsogon laban sa Covid-19.

Sa datos na ipinalabas ng DOH-Bicol na may petsang Agosto 17 nitong taon, umabot na sa 528,162 na Sorsoganon ang nabakunahan mula sa 586,397 target na populasyon mula edad 5-anyos hanggang 60-anyos pataas.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ang bayan ng Casiguran ay nakapagtala ng 104.6% na accomplishment o katumbas ng 25,390 na nabakunahan mula sa target population na 24,283 habang ang Sorsogon City ay may accomplishment na 101.4% o 126,055 na nabakunahan; Barcelona na may 15,673 o 101.0%; Pto Diaz, 16,712 o 100.3% at Bulusan na may 16,712 na nabakunahan o 98.8%.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Samantala, mas maraming naitalang nabakunahan edad 18-anyos hanggang 59-anyos na umabot sa 357,321 sinundan ito ng 12-anyos hanggang 17-anyos na umabot sa 92,483 habang may 55,911 na edad 60-anyos pataas ang nabakunahan at may 22,447 naman na edad 5-anyos hanggang 11-anyos ang nabakunahan.