Sonar team, babalik pa sa potential crash site ng missing air ambulance

Babalik pa ang sonar team at Philippine Navy sa lugar na posibleng pinaglubogan ng nawawalang air ambulance sa karagatan ng Balabac, Palawan.

Ayon kay Jasper Ivan Itturiaga, sa darating na Sabado at Linggo ay susubukan na muling mabalikan ang potential crash site para isagawa muli ang sonar survey.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nitong Miyerkoles, may mga nakuha umanong imahe sa 100 metrong lalim ng karagatan sa harap ng Mangsee Island subalit titingnan kung makatutulong ito sa paghahanap sa “Yellow Bee” chopper.

Aminado sina Jasper na hindi naging madali ang pagsasagawa ng sonar survey dahil sa masamang panahon at malalaking alon kaya minabuti na ipagpaliban muna ang unang survey sa dagat.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, nagpapasalamat si Jasper at ang Philippine Adventist Missionary Aviation Services (PAMAS) sa lahat ng rescue effort ng gobyerno, volunteers at mga kaanak ng mga nawawala.