CAMARINES NORTE- Aminado ang pamunuan ng Primewater na matatagalan pa ng ilang buwan bago tuluyang masolusyunan ang problema sa tubig ng mga Daet South, Basud at Mercedes sa tuwing umuulan ng malakas.
Tumataas kasi ang turbidity level sa Mampurog river kapag malalakas ang pag- ulan dahilan naman para mag partial o pansamantalang huminto ng operasyon ang Dagotdotan Filtration Facility (DFF).
Sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM Daet kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda aminado itong paulit- ulit talaga ang problema kapag umuulan ng malakas dahil hindi kaya ng planta ang mataas na paglabo ng Mampurog river kaya naman hindi ma- operate ang Uf Filtration.
Ang proposal umano na pre- treatment ay nasa progseso na ngayong taon.
Ibinahagi ni Muroda ang timeline ng proyekto kung saan ang Detailed Design and Pre Engineering ay mula noong October hanggang December 2022.
Ngayong Enero naman ang Submission of Bid Proposals/Evaluation at sa Marso ay ang bidding/awarding.
Ang construction ng proyekto ay sisimulan sa Abril hanggang Setyembre at sa Oktubre nitong taon ay ang commissioning na ng planta.
Paglalarawan pa ng opisyal na “complex” ang structure kaya hindi isahang pagkukumpuni lamang.
Natagalan rin daw sa “pre- engineering “ para makapili ng mas mainam na design.
