Solon: Online betting ng Lotto, dapat ipagbawal

Isinusulong ng House Committee on Games and Amusement sa plenaryo na aprubahan ang panukalang ipagbawal ang online betting ng lotto sa bansa.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Sa ilalim ng House Bill 9283 ang pagtaya sa mga laro ng lotto ay dapat pisikal na ginagawa sa otorisadong lotto outlet.

Nakasaad sa panukala na ang anumang pagbabago sa sistema o proseso ng paglalaro ay kailangang aprubado ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng test run ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa online betting ng lotto bago matapos ang buwan.