Solon: ‘chaotic’ educ aid distribution – patunay na ‘di pa handa ang gobyerno sa school opening

Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) matapos dumagsa ang maraming tao sa main office para makakuha ng cash assistance.

Sinabi ng grupo ng mga guro, hindi maayos ang naging sistema ng ahensiya sa pagpapaabot ng naturang tulong pinansyal.

Anila, dapat ay mas naging handa ang DSWD para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan sa darating na Lunes.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Puna pa ng samahan ng mga guro, dapat umanong mas maaga itong ibinigay dahil milyong-milyong Pilipino ang nangangailan ng suportang pinansyal.

Dagdag pa nila, ubos oras ang naging dulot para sa kanila ng sistemang ito dahil sa dami ng mga magulang na humihingi ng certificate of enrolment.

Para naman kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, ang mahabang pila na naranasan ngayon sa mga tanggapan ng DSWD ay isa ring patunay na hindi pa handa ang Gobyerno para sa school opening.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Iginiit pa ng mambabatas na ang student aid ay matagal na raw ipinapanawagan dahil sa hirap ng mga magulang at learners partikular na ang mga gastusin sa distance learning.

Ipinunto pa ni Manuel na mayroon nang nakahain na batas para rito partikular ang Student Aid Bill na inihain ng Kabataan party-list noon pang Hunyo.
#