CAMARINES SUR- Aabot nang P350K ang halaga ng mga Solar Panels at Power Controller ang ninakaw sa isang Water System sa Caramoan Camarines Sur.
Ayon sa report ng caretaker ng Cooperative Water System sa Barangay Haponan Caramoan, 8 solar panels at isang power system ang nadiskubre nilang nawawala at pinaniniwalaang ninakaw.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na 12:00 ng madaling araw ng Disyembre 31, 2022 habang abala ang lahat sa pagsalubong sa bagong taon, sa island barangay ay abala naman ang mga hindi pa kilalang suspek sa pagnakaw. Nakarining sana ng sunod-sunod na tahol ng aso ang malapit sa lugar pero pinagwalang bahala lamang.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP, upang mapabilis pa ang paghahanap may pabuya nang P20K na inilaan ang barangay sa makapagtuturo ng mga salarin.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMSgt. Herbert Turallo, imbestigador ng kaso na ayon sa council malaking kawalan sa mga magsasaka kung hindi maibabalik o mapapalitan ang mga gamit na ang iba ay ipinagkaloob pa ng Department of Agrarian Reform (DAR).