Pampanga PPO, nagpatulong sa publiko para makilala ang bangkay ng babae na natagpuan sa bayan ng Lubao

Nagpapatulong ngayon sa publiko ang Pampanga Police Provincial Office o PPO para makilala ang bangkay ng babae na natagpuan sa bayan ng Lubao, nito pang December 28.

Ang biktima ay tinatayang nasa 25- 30 ang edad, may taas na 4-5 feet, naka suot ng itim na jacket na may markang G-Dragon at Tshirt na may markang Chaos coordinator at skinny leggings na may tatak na Skinnycle.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, kaagad namang iniutos ni PCOL LEVI HOPE B BASILIO, Officer-In-Charge ng Pampanga PPO, ang pagpapakalat sa palatandaan ng biktima sa buong Pampanga at sa mga karatig lalawigan upang maipaalam sa mga posibleng kamag-anak nito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Maaaring makipag-ugnayan sa Lubao MPS sa numerong 09985985457 o 09151312807 okaya naman sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.