SoCot, walang election hotspot ngayong 2022 election

KORONADAL CITY — KINUMPIRMA ni South Cotabato Police Provincial Director PCol. Nathaniel Villegas na walang election hotspot na natukoy sa lalawigan ukol sa nalalapit na 2022 national at local elections.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Villegas, kinumperma din nito na may presensiya ng private armed group o PAG at Communist Terrorist Group o CTGs sa lalawigan ngunit mahina ang pwersa ng mga ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa kabila nito, naka-alerto pa rin umano ang pulisya laban sa kriminalidad na maaaring dulot ng naturang mga grupo.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pinatibay na rin umano ng mga ito ang kanilang koordinasyon sa militar at iba pang ahensiya ng gobyerno para sa mapayapang pagsasagawa ng halalan.

Taong 1990s, naging election hotspot umano ang bayan ng Tampakan dahil sa mainit na away sa pulitika.