Mga pulis sa region 12, sinanay para sa eleksyon sa Mayo 9

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa limang araw na pagsasanay bilang paghahanda sa darating na May 9, 2022 National and Local Elections ang mga kasapi ng Police Regional Office 12.

Nasa 478 na mga police personnel mula sa iba’t ibang mga units, division at offices ng PRO 12 ang lumahok sa naturang training sa Search and Rescue, Civil Disturbance Management, Response to Active Shooting Incident at Emergency Medical Action.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested
Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Layon ng NLE training na mabigyan ng sapat na kaalaman at skills ang mga PNP personnel upang agad ang mga itong makapagresponde sa anumang emerhensya at maisulong ang ligtas at patas na halalan.