Social Media, pinakadahilan sa pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy – Sorsogon City Population Office

Naniniwala ang Sorsogon City Population Office na ang social media ang pinakadahilan nang patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa lungsod ng Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News kay City Population Officer Shiela Gumba, sinabi nito na napakadali na kasi sa ngayon ang pag-access sa social media dahilan upang maagang ma-exposed ang mga kabataan sa mga bagay na hindi pa nila dapat na napapanood o nakikita sa kanilang murang edad.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, binanggit din nito na base sa kanilang pag-aaral karamihan sa mga naitatalang maagang nagbubuntis ay mula sa East District, isang urbanized area, na may naitalang 187 teenage pregnancy.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Sa datos ng opisina ngayong taon, nakapagtala ng 283 kaso ng Teenage Pregnancy, kung saan 100 rito ay mula sa West District, 187 naman sa East Dostrict at 61 sa Bacon District.