NAGA CITY – Naramdaman ng mga namamasada at ng mga pasahero ang sobrang bigat ng daloy ng trapiko ngayon sa Naga City.
Sa panayam kay RJay Broqueza, Presidente ng Robinson E-trike Operators, Drivers Association, pagsapit ng alas 7 hanggang alas 9 ng umaga, sobrang traffic na lalo na kapag hapon na, maliban sa na-obserbahan ang pagdami ng mga sasakyan lalo na ang mga pribado, marami pa rin ang mga nakaparking na mga sasakyan sa tabi-tabi ng kalsada lalo na sa parteng Diversion, Panganiban at sa kasentruhan.
Ayon naman kay Margie Palma, nagtatrabaho sa lungsod, taga Dalipay Milaor, malaking abala ang trapiko sa trabaho lalo na’t halos umaabot ng 15-20 minuto ang tagal ng usad sa biyahe, maaga ka ngang gumising at nag-ayos para sa trabaho, malalate naman dahil sa bigat ng trapiko.
Samantala naging kontrobersiya noon ang bagong ruta sa lungsod upang mabawasan ang trapiko at tuloy din ang traffic assistance sa lungsod.