Isang motor taxi driver, binaril at inagawan ng motorsiklo sa Antipolo

Sugatan ang isang motor taxi driver matapos malapitang barilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Antipolo.

Base sa imbestigasyon, tumigil lang ang biktima para sana umihi pero nilapitan ito ng riding in tandem at sapilitang kinuha ang motorsiklo.

Agad namang nadala sa ospital ang biktima at patuloy na nagpapagaling.

Nakilala naman ng Antipolo police ang isa sa mga suspek matapos makuha ang id sa inabandonang ginamit na motorsiko matapos maubusan ng gasolina.

Patuloy ngayon ang manhunt operation sa mga suspek