So.Cot nasa clearing stage na ng bird flu

KORONADAL CITY- NEGATIBO na sa Avian Influenza (AI) o bird flu ang 1 kilometer at 7 kilometer radius ng apektadong poultry farm sa Barangay Magon sa bayan ng Tantangan.

Ayon kay South Cotabato Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na nakapagsagawa na sila ng clearing sa lugar katulad ng disinfection at paglibing sa lahat ng mga infected materials.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nakapaglagay na rin ang PVet ng mga sentinel birds sa mga bird flu affected areas, ang Barangay Roxas, Teresita at Katipunan sa Sto.Niño at Barangay Magon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang mga sentinel birds ay magsisilbing controlled animals at isasailalim sa testing upang makumpirma ang presensya ng virus.

Oras na ito ay negatibo na sa bird flu, maaari nang mag-apply ang PVet para sa AI free area.