Air quality sa Koronadal, nasa ‘good’ level

KORONADAL CITY- MALINIS pa ang kalidad ng hangin sa lungsod ng Koronadal.
Ito ang inihayag ni City Environment and Natural Resources Officer Augustus Bretaña, batay sa resulta ng air quality monitoring system na inilagay ng Environment Management Bureau o EMB 12 sa likod ng City Hall.

Ayon kay Bretaña na walang nakikitang red flag o dapat ikabahala sa aiqr quality ng lungsod sa kabila ng pagdami ng populasyon ng Koronadal at bilang mga sasakyan.
Napag-alaman ayon sa opisyal na pinakamalaking source ng carbon emission sa hangin ang mga transport vehicles.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Batay sa 3rd Quarter Ambient Air Quality Monitoring ng EMB 12 sa lungsod, ito ay nakapagtala ng 32 micrograms per normal cubic meter na PM10 o particulate matter; 9 micrograms per normal cubic meter na nitrogen dioxide; at 3 micrograms per normal cubic meter nga sulfur dioxide.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ang mga ito ay pawang nasa safe level o good air quality category.
Ngayong buwan ng Nobyembre, ipinagdiriwang South Cotabato at sa buong bansa ang Clean Air Month.