KORONADAL CITY- BILANG suporta sa operasyon ng mga ospital na pinamamahalaan ng provincial government ng South Cotabato, naglaan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa ilalim ng LDRRMF-IP Trust Fund ng P 18.4 million.
Ang naturang pondo ay para sa COVID 19 response ng South Cotabato Provincial Hospital, Soccsksargen General Hospital sa Surallah, Norala District Hospital at Polomolok Municipal Hospital.
Ayon kay PDRRMO OIC Rolly Aquino na ito ay gagamitin sa pagbili ng mga personal protective equipment, mga gamot, medical laboratory supplies at iba pang mga equipment tulad ng mechanical ventilator.
Nasa 500 vials ng anti-viral drug na Remdesivir ang bibilhin ng probinsya na ginagamit sa paggamot sa mga pasyente na may malalang sintomas.
Naglaan din ito ng P 3.5 million para sa mechanical ventilator.
Inihayag ni Aquino na kulang na ang mga COVID 19 beds sa South Cotabato maging ang mga gamot at ventilator kung kayat nanawagan ito sa mga mamamayan na huwag ng gumawa ng mga bagay na makakapagpalala sa transmission ng virus.
